Ipinahayag kahapon ng bagong halal na Pangulong Hassan Rohani ng Iran, na nakahanda ang kanyang bansa na pasulungin ang relasyon nito sa iba't ibang bansa sa daigdig, sa pundasyon ng paggagalangan sa isa't isa, para mapangalagaan ang kapayapaan, kaunlaran at katiwasayan sa rehiyong ito at buong daigdig.
Sa kanyang talumpati sa TV, nanawagan siya sa komunidad ng daigdig na igalang at kilalanin ang karapatan ng Iran at isagawa ang diyalogo sa paraang mapayapa at mapagkaibigan.
Nang araw ring iyon, ipinaabot ni Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng UN, ang pagbati sa pagkakahalal ni Hassan Rohani bilang pangulo ng Iran. Sinabi ni Ban na patuloy niyang susuportahan ang pagganap ng konstruktibong papel ng Iran sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig.