Ayon sa pahayag na ipinalabas kahapon ng White House, nakahanda ang Amerika na isagawa ang direktang pakikipag-ugnayan sa Iran para hanapin ang diplomakitong paraan sa paglutas ng isyung nuklear ng bansang ito.
Dagdag pa ng pahayag, umaasa rin ang Amerika na makakatugon ang bagong pamahalaan ng Iran sa kahilingan ng mga mamamayan nito, at makakalikha ng isang mas magandang kinabukasan para sa kanila.
Nauna rito, naihalal si Hassan Rouhani, dating punong negosyador ng Iran sa isyung nuklear, bilang ika-11 Pangulo ng bansang ito.