Sinabi kahapon ni Yang Xiuping, Embahador na Tsino sa ASEAN, na ang kasalukuyang relasyon ng Tsina at ASEAN ay nasa mainam na panahon sa tulong ng 10 taong magkakasamang pagsisikap. Dagdag pa niya, komprehensibo at malawak ang kooperasyon ng dalawang panig sa iba't ibang antas.
Ayon sa datos, ang kabuuang bolyum ng bilateral na kalakalan ng dalawang panig ay umabot sa 400.1 bilyong dolyares sa taong 2012 mula 54.8 bilyong dolyares ng taong 2002.
Sinabi ni Yang na sa kasalukuyan, malaki ang nakatagong lakas sa kooperasyon ng dalawang panig. Bukod dito, kinakaharap din aniya ng dalawang panig ang hamon sa pagpapanatili ng malusog na pag-unlad ng kabuhayan at pangangalaga sa katatagan at kapayapaan ng rehiyong ito.