Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

"Flavors of the Philippines" food festival, binuksan sa Beijing

(GMT+08:00) 2013-06-17 16:59:40       CRI

Si Ambassador Erlinda F. Basilio ng Pilipinas, habang binibigkas ang talumpating pambungad  

Sa okasyon ng pagdiriwang ng Ika-115 Anibersaryo ng Kasarinlan ng Pilipinas, isang food festival na kinatatampukan ng ibat-ibang masasarap at tradisyonal na pagkaing Pilipino ang idinaos ngayong araw sa Jianmao Ballroom ng Westin Hotel sa Beijing.

Sa nasabing pestibal na pinangalanang "Flavors of the Philippines," dumalo ang mga dignitaryo mula sa ibat-ibang bansa at mga opisyal-Tsino, na gaya nina Liu Zhenmin, Deputy Minister ng Ministry of Foreign Affairs ng Tsina, Wu Jiong ng Chinese People's Association for Friendship with Foreign Countries (CPAFFC), mga kinatawan ng ASEAN-China Center (ACC), at marami pang iba.

Sa kanyang talumpating pambungad, ipinaabot ni Embahador Erlinda F. Basilio ng Pilipinas ang mensahe ni Pangulong Benigno Aquino III sa lahat ng Pilipino sa Tsina.

Aniya, sana ang pestibal na ito ay maging daan upang lalo pang maipakilala ang kulturang Pilipino tungo sa pagpapasulong ng pagkakaunawaan at paggagalangan ng mga mamamayan ng Tsina't Pilipinas.

Inanyayahan din niya ang lahat ng mga panauhin na tikman at pagdamutan ang mga pagkaing-handa.

Sa isang hiwalay na panayam, sinabi naman ni Liu Zhenmin, Deputy Minister ng Ministry of Foreign Affairs ng Tsina, na nagagalak siya sa pagdaraos ng nasabing aktibidad,dahil isa itong paraan upang maipakilala at mailapit ang kultura ng Pilipinas sa puso ng mga Tsino.

Dagdag pa niya, sana ay maging matagumpay ang pagdaraos ng nasabing pestibal.

Ipinahayag din niya ang pag-asang lalo pang darami ang ganitong uri ng kaganapan, upang lalo pang humigpit ang pagpapalitan ng mga Tsino at Pilipino.

Reaksyon

Ayon kay Wu Jiong mula sa Chinese People's Association for Friendship with Foreign Countries (CPAFFC), siya nagagalak at nagpapasalamat, dahil nagkaroon siya ng pagkakataong dumalo sa ganitong uri ng pagdiriwang.

Aniya, sa kanyang pananaw, ang lahat ng pagkaing inihanda ay pawang masasarap, lalo na iyong may lasa ng niyog at sariwang mangga.

"Sana, sa pamamagitan ng mga pagkaing ito, mas lumalim pa ang pagkakaunawa ng mga Tsino sa kultura at kaugalian ng Pilipinas," dagdag pa niya.

Mga nagluto

Upang maisiguradong ang lahat ng mga pagkain ay may orihinal na lasang Pinoy, inimbitahan din ng Embahada ng Pilipinas sa Beijing ang dalawang batikang chef na sina Roland Laudico, Executive Chef at Jacqueline Laudico, Pastry Chef.

Anila, malaking karangalan na maipakilala nila ang mga pagkaing Pilipino sa mga Tsino.

Dagdag pa nila, sana ay maging kilala sa buong mundo ang mga pagkain ng Pilipinas.

Sinabi pa ni Chef Roland, na maraming impluwensya ang pagkaing Tsino sa pagkaing Pilipino at ang mga ito ay talagang magkalapit kung kasysayan ang pag-uusapan.

Ilan sa mga inihandang pagkain ay: Biringheng Kapampangan, Adobo, Pinakbet, Lumpia, Kaldereta, Chopsuey, Manggang Pilipino, at marami pang iba.


1 2 3
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>