|
||||||||
|
||
Ang barkong medikal ng hukbong pandagat ng Tsina
Dumating sa Brunei kamakalawa ng hapon ang isang barkong medikal ng hukbong pandagat ng Tsina para sa anim na araw na pagdalaw sa bansang ito at para dumalo sa isang magkasanib na ensayo ng ASEAN doon.
Ipinahayag ng pinunong Tsino na ang aksyong ito ng kanyang barko ay ang isang aktuwal na hakbang ng Tsina na makisangkot sa koopersasyong panseguridad ng rehiyon. Ito aniya'y makakatulong sa pagpapasulong ng pragmatikong pagtutulungan at pagpapataas ng kakayahan ng Tsina at ASEAN sa di-tradisyonal na larangang panseguridad.
Pagkatapos nito, pupunta ang barkong Tsino sa Maldives, Pakistan, at Aden Gulf.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |