|
||||||||
|
||
Kahapon ng umaga, nasaksihan ng mga mataas na opisyal ng panig-militar mula sa 18 bansa na kinabibilangan ng 10 bansang ASEAN, Tsina, E.U., Hapon, Austrilia at iba pa, ang opisyal na pagsisimula ng pagsasanay sa actual combat. Ang naturang pagsasanay ay laman ng mga balita ng mga media ng iba't ibang bansa, at iniulat ang pangyayaring ito ng mahigit 200 mamamahayag mula sa E.U., Malaysia, Thailand at iba pang bansa.
Ayon pa sa ulat, ang nilalaman ng naturang pagsasanay ay kinabibilangan ng magkakasamang rescue work, gawaing medikal, pagbabahagi ng materyal na panaklolo at iba pa. 2200 sundalo mula sa iba't ibang bansa ang lumahok sa naturang pagsasanay na kinabibilangan ng 110 sundalong Tsino. Isinalaysay ni Wu Xihua, opisyal ng panig Tsino na lumahok sa naturang pagsasanay na sa pamamagitan ng multilateral na pagsasanay, narating ng iba't ibang panig ang maraming komong palagay, magkakasamang itinatag ang mga sistema at tadhana hinggil sa mga relief work, kaya, kung magaganap ang likas na kalamidad, mas mabilis at mas mabisang makagagawa ng reaksyon.
Nang kapanayamin ng mamamahayag, ipinahayag ng Commander of the Royal Brunei Armed Forces na ang paglahok ng Tsina sa naturang pagsasanay ay mabisang magpapasulong ng pangkaibigang relasyon sa pagitan ng Tsina at mga bansang ASEAN, lalo na ang Brunei. Ipinahayag niyang ang naturang pagsasanay ay isang magkakasamang pagsasanay sa mataas na antas na kinabibilangan ng 18 bansa. Sa pamamagitan ng pagsasanay, tinatalakay at nilulutas ang mga problema na kinakaharap ng naturang mga bansa. Ipinadala ng Tsina ang mga opisyal at sundalo na lumahok sa naturang pagsasanay at ito ay malaking ambag. Sinabi rin niyang, nananalig siyang sa pamamagitan ng pagsasanay, tiyak na magiging mas matibay ang relasyon sa pagitan ng Tsina at mga bansang ASEAN, lalo na ng Brunei.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |