Idinaos ngayong araw sa Guilin, Guangxi, Tsina, ang ika-31 pulong ng mga working group sa turismo ng Greater Mekong Sub-Region. Kasabay nito, idinaos din doon ang Porum ng Turismo ng Mekong River para sa taong 2013.
Dumalo sa pulong ang mga opisyal at kinatawan mula sa mga departmentong panturista ng Kambodya, Tsina, Laos, Myanmar, Thailand, Biyetnam, Tanggapan ng Koordinasyon ng Turismo ng Mekong River, at Asian Development Bank (ADB).
Napag-alamang,kasama sa agenda ng pulong ang hinggil sa potensiyal na pang-ekonomiya ng nasabing rehiyon, seguridad ng mga turistang Tsino, at iba pa. Kasama rin sa mga tatalakayin ang impluwensiyang dulot ng pagpasok ng mga turistang Tsino sa mga bansa sa Mekong Sub-Region, sa mga larangang gaya ng kabuhayan, lipunan, at kapaligiran.
salin:wle