|
||||||||
|
||
Ipinahayag ni Clancy na may bagong progreso ang kaso ng photovoltaic ng EU at Tsina. Noong simula ng linggong ito, dumating ang isang grupo ng mga dalubhasang Tsino sa Brussels, at tinalakay nila ng panig ng EU ang kasong ito sa antas na teknolohikal, pero ang talakayang ito ay hindi bukas sa labas.
Isiniwalat din ni Clancy na dadalaw sa Tsina si Karel De Gucht, EU trade commissioner, at katatagpuin siya ni Gao Hucheng, Ministro ng Komersyo ng Tsina. Umaasa aniya ang EU na mararating ng dalawang panig ang pagkakaisa hinggil sa isyu ng photovoltaic sa lalong madaling panahon.
Ipinatalastas kamakailan ng European Commission na magpapataw ang EU ng pansamantalang anti-dumping tariff laban sa photovoltaic products ng Tsina at ang taripa ay aabot sa 47.6%.
salin:wle
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |