Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Truong Tan Sang ng Biyetnam: umaasang magpapatuloy ang relasyong Sino-Biyetnames sa hene-henerasyon

(GMT+08:00) 2013-06-19 17:06:44       CRI

Sa paanyaya ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, nagsasagawa si Pangulong Truong Tan Sang ng Biyetnam ng dalaw-pang-estado sa Tsina mula ika-19 hanggang ika-21 ng Hunyo. Bago ang kanyang biyahe sa Tsina, ipinahayag ni Pangulong Sang sa mga mediang Tsino na ang Tsina at Biyetnam ay matalik na magkapitbansa, at may mahabang kasaysayan ang tradisyonal na pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa. Umaasa aniya siyang magpapatuloy ang mapagkaibigang relasyon at komprehensibong kooperasyon ng kapuwa panig sa hene-henerasyon.

Sinabi ni Sang na nitong nakalipas na ilang taon, walang humpay na tumitibay at umuunlad ang komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership ng Tsina at Biyetnam, at sumusulong ang kanilang pagpapalagayang pulitikal. Natamo rin ng kooperasyon ng kapuwa panig ang mga bagong progreso sa mga larangang gaya ng kabuhayan, kalakalan, pamumuhunan, at turismo. Walang tigil na lumalawak at lumalalim ang pagpapalitan ng iba't ibang departamento, industriya, purok, at organisasyong di-pampamahalaan.

Kaugnay ng isyung kung paanong mapapalakas ang komprehensibo't estratehikong kooperasyon ng dalawang bansa, sinabi ni Truong Tan Sang na kapuwa nahaharap ang Tsina at Biyetnam sa mga bagong pagkakataon at hamon. Upang mapasulong ang pag-unlad ng kanilang bilateral na kooperasyon, kailangang magkasamang magsikap ang dalawang bansa sa sumusunod na apat na aspekto:

Una, palakasin ang pagtitiwalaang pulitikal, pangalagaan at puspusang pasulungin ang pag-uugnayan sa mataas na antas at ang pagpapalitan sa pagitan ng iba't ibang departamento at lugar ng dalawang bansa.

Ika-2, patibayin ang pundasyon ng bilateral na kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan at win-win situation sa iba't ibang larangan, lalung lalo na sa mga larangang gaya ng kabuhayan, kalakalan, pamumuhunan, siyensiya't teknolohiya, edukasyon at turismo.

Ika-3, walang humpay na idebelop ang tradisyonal na pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa, at payamanin ang nilalaman ng kooperasyon at pagpapalitan ng mga mamamayan sa iba't ibang saray, lalung lalo na, sa mga kabataan.

At ika-4, maayos na hawakan ang mga alitan at problema ng kapuwa panig sa pamamagitan ng mapagkaibigang pagsasanggunian, upang mapangalagaan ang katatagan ng relasyong Sino-Biyetnames.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>