|
||||||||
|
||
Nag-usap ngayong araw sina Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, at Ban Ki-Moon, Pangkalahatang Kalihim ng UN.
Ipinahayag ni Wang na bilang pinakamalawak at pinakamakapangyarihang organisasyong pandaigdig, gumaganap ang UN ng di-mahahalinhang papel sa mga suliraning pandaigdig. Aniya, palagiang kumakatig ang Tsina sa UN, at nananawagan itong gawing batayan ng paghawak ng relasyon ng mga bansa ang "Karta ng UN," at magsikap para maigarantiya ang pandaigdigang kaayusan. Ani Wang, kasabay ng pag-unlad ng sarili, mas aktibong lalahok ang Tsina sa mga gawain ng UN sa iba't ibang larangan, para mapasulong ang kapayapaan, katatagan at kaunlaran ng daigdig.
Ipinahayag naman ni Ban na gumaganap ang Tsina ng namumunong papel sa mga suliraning pandaigdig, at nagbibigay ng mahalagang ambag sa pangangalaga sa kapayapaan at kaligtasan ng daigdig, at sa pagsulong ng sustenableng pag-unlad ng daigdig. Umaasa aniya siyang patuloy na kakatigan ng Tsina ang UN para mapasulong ang partnership, at magkasamang harapin ang mga hamon ng daigdig.
Salin: Andrea
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |