Buong pagkakaisang sinang-ayunan nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at kanyang counterpart na si Truong Tan Sang ng Biyetnam na ibayo pang pahihigpitin ang mapagkaibigang relasyon ng dalawang bansa.
Nagpalitan ngayong araw sa Beijing sina Xi at Trung ng palagay hinggil sa pagpapalalim ng komprehensibong estratehikong partnership.
Ang naturang mga palagay ay kinabibilangan ng pagpapanatili ng pagpapalagayan sa mataas na antas at paguugnayan hinggil sa mga isyu ng bilateral na relasyon ng dalawang bansa at isyung panrehiyon at pandaigdig; pagpapahigpit ng kooperasyon ng dalawang bansa sa kabuhayan, negosyo, edukasyon at kultura, gawaing pandepensa at mga isyu ng ASEAN.
Kaugnay ng isyu ng South China Sea, narating nila ang nagkakaisang posisyon sa paglutas ng mga isyu sa pamamagitan ng pagsasanggunian at bilateral na talastasan sa halip ng pagpapasalimuot ng kasalukuyang kalagayan.