Sa pakikipag-usap dito sa Beijing kahapon sa kanyang counterpart sa DPRK na si Kim Kye-Guan, ipinahayag ni Zhang Yesui, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang pagsasakatuparan ng ligtas na sandatang nuklear, at pangangalaga sa kapayapaan at katatagan sa Peninsulang Koreano sa pamamagitan ng diyalogo ay angkop sa komong interes ng iba't ibang panig. Positibo aniya ang Tsina sa pagpapanumbalik ng Six Party Talks sa lalong madaling panahon.
Sinabi naman ni Kim Kye-Guan na ang non-nuclear ng Korean Peninsula ay ang nakatakdang patakaran ng liderato ng Hilagang Korea sa hene-henerasyon. Umaasa aniya ang kanyang bansa na malulutas ang isyung nuklear sa pamamagitan ng talastasan.