Pormal na ipinatalastas kamakailan ng pamahalaang Thai na dahil sa presyur mula sa opinyong publiko na idinulot ng pagkalugi dahil sa purchase policy ng bigas, mula unang araw ng susunod na buwan, pabababain ng 20% ang purchase price ng bigas ng Thailand.
Ayon sa ulat ng Pambansang Komisyon ng Patakaran ng Bigas ng Thailand, mula noong 2011 hanggang 2012, idinulot ng rice purchase project ang halos 4.4 bilyong lugi. Kaugnay nito, ipinahayag ng Ministri ng Komersyo ng Thailand na ang pagkalugi dahil sa naturang patakaran ay idinulot ng mga elementong gaya ng presyo ng bigas sa pandaigdigang pamilihan at tunguhin ng kabuhayang pandaigdig. Kaya, pagkaraang pababain ng pamahalaan ang purchase price, patuloy na isasagawa ang patakarang ito hanggang taong 2017.
Salin: Li Feng