"Nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng komunidad ng daigdig para makatarungang malutas ang isyu ng Palestina sa lalong madaling panahon, at para maisakatuparan ang kapayapaan ng Palestina at Israel". Ito ang ipinahayag kahapon ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina hinggil sa katatapos na Pandaigdigang Pulong para sa Kapayapaan ng Palestina at Israel sa Beijing.
Sinabi ni Hua na bilang pirmihang kinatawan ng UN Security Council, positibo ang Tsina sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng daigdig, makatarungang usapin ng mga mamamayang Palestino, at prosesong pangkapayapaan ng Gitnang Silangan. Aniya, tinanggap ng Tsina ang magkasunod na pagdalaw ng pangulong Palestino at Punong Ministrong Israeli para mapasulong ang kanilang talastasang pangkapayapaan. Nagsilbing punong-abala rin ang Tsina ng nasabing pulong alinsunod sa apat na mungkahing iniharap ng Pangulong Tsino hinggil sa paglutas ng isyu ng Palestina.