Ayon sa "Lianhe Zaobao" ng Singapore, sa susunod na linggo, idaraos ng mga hukbong pandagat ng Pilipinas at Estados Unidos ang magkasanib na pagsasanay na militar sa karagatan ng Huangyan Island. Idineklara kahapon ng Pilipinas na ang naturang pagsasanay ay gaganapin mula ika-27 ng Hunyo hanggang ika-2 ng Hulyo.
Ayon sa ulat, dumalaw sa Pilipinas si Raymond Mabus, Kalihim ng Hukbong Pandagat ng Amerika, mula noong ika-17 hanggang ika-19 ng kasalukuyang buwan. Tinalakay nila ng mga opisyal ng Pilipinas ang mga temang kinabibilangan ng seguridad na bilateral at mutilateral, seguridad sa dagat, paglaban sa terorismo, pagharap sa mga kalamidad, at iba pa. Tinalakay din nila ang tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng isyu ng South China Sea.
Salin: Li Feng