|
||||||||
|
||
Si Pangulong Truong Tan Sang at mga stuff ng Serbisyo ng Biyetnam ng CRI
Nakipagtagpo kagabi sa Embahadang Biyetnames sa Beijing ang dumadalaw na si Pangulong Truong Tan Sang ng Biyetnam sa mga kaibigang Tsino para ibayo pang mapalalim ang pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Ang naturang aktibidad ay nasa pagtataguyod ng Embahandang Biyetnames at Chinese People's Association for Friendship with Foreign Countries (CPAFFC). Ipinahayag ni Truong na binibigyang-diin ng kanyang bansa ang "Relasyong Comrade and Brother" sa Tsina. Umaasa aniya siyang mapapalalim ang kooperasyon ng dalawang bansa sa pamamagitan ng kanyang pagdalaw.
Ipinahayag naman ni Feng Zuoku, Pangalawang Puno ng CPAFFA, na ang pagkakaibigan ng mga mamamayan ng Tsina at Biyetnam ay pundasyon ng mainam na relasyon ng dalawang bansa. Umaasa aniya siyang ibayo pang mapapalalim ang pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa sa pamamagitan ng aktibidad na ito.
Dumalo din sa aktibidad na ito ang mga diplomata, dalubhasa at mamamahayag ng dalawang bansa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |