Ipinahayag kahapon ng Pakistan na kinakatigan nito ang pagbubukas ng Taliban ng tanggapan sa Doha. Sinabi ng panig na Pakistani na ang aksyong ito ay makakatulong sa pagpapasulong ng prosesong pangkapayapaan at paggarantiya sa kaligtasan at katatagan ng Afghanistan.
Sa preskong idinaos kahapon, ipinahayag ni Aizaz Ahmad Chaudhry, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Pakistan na sa mula't mula pa'y, kinakatigan na ng kanyang bansa ang inklusibong intra-Afghanistan dialogue. Ipinahayag niyang ang rekonsiliyasyon ay makakatulong sa pagbibigay-wakas sa digmaan at paggarantiya sa pangmatagalang kapayapaan ng Afghanistan. Nakahanda aniya ang Pakistan na magsikap para maisakatuparan ang rekonsiliyason ng Afghanistan sa hinaharap.
Salin:Sarah