|
||||||||
|
||
Kasiya-siyang natapos kahapon ang 4-araw na magkakasanib na pagsasanay sa humanitarian relief and military medicine ng mekanismo ng pinalawak na pulong ng mga ministro ng depensa ng ASEAN. Sa pamamagitan ng kooperasyon sa larangan ng di-tradisyonal na katiwasayan, mabisang pinahigpit ang komong palagay at pagtitiwalaan sa pagitan ng iba't ibang bansa.
Napag-alaman, 7 bapor na pandigma, 18 helikopter, at mga grupong medikal at rescue teams na binubuo ng mahigit 2000 tao mula sa 10 bansang ASEAN at 8 bansa na gaya ng Tsina, Amerika, Rusya, Hapon, at Timog Korea ang lumahok sa naturang pagsasanay. Nang mabanggit ang natamong bunga ng kasalukuyang magkakasanib na pagsasanay, sinabi ni Wu Xihua, Pangalawang Komander ng pagsasanay na,
"Sa pamamagitan ng pagsasanay, magkakasamang nagsanggunian kami hinggil sa pagtatatag ng istandardisadong prosidyur ng ilang sistema na gaya ng paghaharap ng mga bansang nasalanta ng likas na kapahamakan ng kahilingang panaklolo, pagpapadala ng mga bansang nagkakaloob ng saklolo ng puwersang militar, pagpapatnubay at pagkokoordinahan pagkaraang dumating ang mga bansang nagbibigay ng saklolo sa apektadong lugar, at iba pa. Narating namin ang maraming komong palagay sa aspektong ito. Pagkaraang maisapamantayan ang nabanggit na mga prosidyur, kung magaganap ang likas na kapahamakan sa isang bansa, at kakailanganin ang magkakasanib na makataong saklolo, at saka lamang namin mas mabilis na maisasagawa ang mabisang reaksyon."
Tinukoy ng tagapag-analisa na ang kasalukuyang multilateral na pagsasanay ng mekanismo ng pinalawak na pulong ng mga ministro ng depensa ng ASEAN ay makakapagpataas ng kakayahan ng iba't ibang kalahok na bansa sa pagharap sa mga banta sa aspekto ng di-tradisyonal na katiwasayan, lalung lalo na sa magkakasanib na pagbibigay-saklolo sa mga malubhang likas na kapahamakan. Makakatulong din ito sa pagpapahigpit ng pagpapalitan at pagtitiwalaan ng iba't ibang bansa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |