Magtatalakayan sa ika-25 ng Hunyo sa UN Headquarters sa Geneva ang UN, Amerika at Rusya hinggil sa isyu ng Syria.
Ipinatalastas kahapon sa Punong Himpilan ng UN ni Eduardo Del Buey, Pangalawang Tagapagsalita ng Pangkalahatang Kalihim ng International Oragan, na ang kanilang delegasyon sa nasabing talastasan ay pamumunuan ni Lakhdar Brahimi, Espesyal na Sugo ng UN at Arab League sa isyu ng Syria.
Bukod dito, ikinababahala ni Del Buey ang kalagayan ng pamumuhay ng mga bata sa Syria. Sinabi niya na dahil sa sagupaan sa loob ng bansang ito, kinakaharap ng halos 4 na milyong bata ang banta sa paglala ng kondisyong pangkalusugan.
Noong unang dako ng taong ito, tinalakay minsan ng UN, Amerika at Rusya ang plano ng paglutas sa isyung ito, pero walang natamong substansiyal na bunga.