Ayon sa pinakahuling datos na ipinalabas ng pamahalaang India ngayong araw, 556 na tao ang nasawi sa kalamidad ng baha at landslide na dulot ng walang hinting pagbuhos ng ulan sa dakong Hilaga ng bansang ito sapul noong ika-16 ng buwang ito.
Ayon sa pagtaya ng mga opisyal ng India, tataas ang bilang ng mga nasawi kasunod ng gawaing panaklolo. Sa kasalukuyan, kinakaharap ng gawaing panaklolo ang mga kahirapan na dulot ng pagkasira ng mga lansangan at daan, kaya nahaharap sa problemang kakulangan sa pagkain at tubig na maiinom ang mga biktima.