Nagpalabas kagabi ng magkasanib na pahayag ang People's Bank of China at Bank of England, mga bangko sentral ng Tsina at Britanya, na nagsasabing nilagdaan nila ang kasunduan sa bilateral na currency swap na nagkakahalaga ng 200 bilyong yuan RMB o 20 bilyong Pounds.
Ayon pa rin sa pahayag, tatagal nang 3 taon ang kasunduang ito, at puwede itong palawigin batay sa pagsang-ayon ng kapwa panig.
Ipinahayag ng dalawang bangko sentral na ang kasunduang ito ay magkakaloob ng pagkatig sa pagpapalagayang pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Britanya, at makakabuti rin sa katatagang pinansyal ng kapwa bansa.