Kaugnay ng bagong ibinunyag ni Edward Snowden, dating empleyado ng National Security Agency ng Estados Unidos, hinggil sa pagsasagawa ng mga organo ng pamahalaang Amerikano ng cyber attacks sa mga telecommunication companies at Tsinghua University ng Tsina, sinabi kahapon ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na lubos itong ikinababahal ng kanyang bansa. Nagharap na aniya ang panig Tsino ng representasyon sa panig Amerikano hinggil dito.
Inulit ni Hua na tinututulan ng Tsina ang lahat ng porma ng cyber attacks. Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng komunidad ng daigdig, na palakasin ang diyalogo at kooperasyon, para magkakasamang pangalagaan ang kapayapaan at katiwasayan ng cyber space.
Salin: Liu Kai