|
||||||||
|
||
Ang ilang sundalo ng Pakistan ay naghahatid ng labi ng nabiktima
Isang pag-atakeng ikinamatay ng labing-isa katao, na kinabibilangan ng dalawang turistang Tsino, ang naganap kahapon sa Nanga Parbat, Paksitan.
Inako ng Taliban ang responsibilidad sa nasabing pag-atake.
Binatikos naman ng pamahalaan ng Pakistan ang insidenteng ito, at ipinahayag ang pakikiramay sa mga biktima at kanilang pamilya. Ipinahayag din ng panig Pakistani na isasagawa nito ang mabibisang hakbang para maayos na hawakan ang mga bagay na dulot ng pag-atake, at parurusahan ang mga may kagagawan.
Kaugnay nito, ipinahayag naman ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pagbatikos sa nasabing pangyayari. Hinihiling din ng Tsina sa panig Pakistani na maayos na gawin ang mga bagay pagkatapos ng insidente, at isagawa ang mga hakbang para maigarantiya ang seguridad, karapatan, at interes ng mga Tsino na naroon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |