|
||||||||
|
||
Nakipag-usap kaninang umaga mula sa Beijing Aerospace Control Center si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa tatlong astronaut na Tsino na lulan ng Shenzhou-10 Manned Spacecraft na ngayon ay nasa kalawakan. Sa kanilang tatlong minutong pag-uusap, tinanong ni Xi ang kondisyong pangkalusugan at proseso ng gawain ng mga astronaut. Tinukoy niyang kasabay ng mabilis na pag-unlad ng usaping pangkalawakan ng Tsina, magiging mas malaki at malayo ang hakbang ng mga Tsino sa pagsasarbey sa kalawakan.
Sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino, nagpahayag si Xi ng taos-pusong pangungumusta sa tatlong astronaut, at ipinaabot ang pag-aalala sa kanilang kalagayan at trabaho sa kalawakan.
Sapul nang matagumpay na ilunsad ang Shenzhou-10 Manned Spacecraft noong ika-11 ng Hunyo, tumatakbo ito nang 13 araw sa orbita. Sa panahong ito, isinagawa ng tatlong astronaut ang isang automatic docking at isang manual docking sa pagitan ng Shenzhou-10 at Tiangong-1 Space Lab Module. Matagumapy na isinakatuparan din nila ang kauna-unahang pagtuturo sa mga estudyante sa pamamagitan ng live coverage mula sa kalawakan. Ang mga kaganapang ito ay itinuturing na pinakamahalagang tampok ng mga misyon ng Shenzhou-10.
Bilang crew commander, pinasalamatan ni Nie Haisheng ang pag-aalala ni Pangulong Xi. Sinabi niyang mabuti ang kalagayan ng tatlong astronaut, at nagtatrabaho ngayon sila batay sa iskedyul.
Nakipag-usap din si Xi Jinping kina Zhang Xiaoguang at Wang Yaping, dalawa pang astronaut sa Shenzhou-10. Umaasa aniya siyang kasiya-siyang matatapos ng naturang tatlong astronaut ang mga tungkulin sa susunod na hakbang, at matagumpay na babalik sa mundo.
Ang two-directional TV talk sa pagitan ng mga tao sa lupa at mga astronaut sa orbiting spacecraft sa kalawakan ay naisakatuparan, sa kauna-unahang pagkakataon, sa misyon ng Shenzhou-9 Manned Spacecraft noong nagdaang taon. Salamat sa ganitong teknolohiya, nagiging mas mahigpit ang pagpapalitan sa pagitan ng mga astronaut at mga tao sa lupa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |