Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Thailand, pinapabilis ang paghahanda para salubungin ang pagbubukas ng ASEAN Community

(GMT+08:00) 2013-06-25 17:18:21       CRI
Ang ASEAN Community ay maitatatag sa 2015. Dahil dito, sa kasalukuyan, pinapabilis ng Thailand ang mga paghahanda sa pagbubukas ng ASEAN Community. Ito ay patunay na lubos na inaasahan ng mga bansa ng Timog-silangang Asiya ang ASEAN Community.

Dahil malapit na malapit na ang pagkakaroon ng ASEAN Community, kamakailan, mas maraming tao sa Thailand ang nag-aaral ng wikang Ingles at wikang Tsino. Ipinalalagay ng mga tao na pagkatapos ng konstruksyon ng ASEAN Community, magiging mas unibersal ang paggamit ng wikang Ingles at wikang Tsino sa pagitan ng iba't ibang miyembro ng ASEAN. Kasabay ng lalo pang pag-iisa ng kabuhayan sa rehiyong Silangang Asiya at lalo pang pagpapataas ng pagpapalitan sa pagitan ng ASEAN at Tsina, tiyak na mangangailangan ang iba't ibang bansang ASEAN ng mas maraming talento sa wikang Tsino.

Bukod dito, sa taong ito, dinagdagan ng ilang kilalang media ng Thailand ang ulat hinggil sa konstruksyon ng ASEAN Community at mga kapitbansa ng Thailand.

Sa antas ng pamahalaan, dinagdagan ng Pamahalaan ng Thailand ang puhunang may kinalaman sa konstruksyon ng ASEAN Community. Bukod dito, pinaplano ng Pamahalaan ni Yingluck Shinawatra na sa darating na 3 taon, maglalaan ng mga 200 trilyong Thai Baht para sa konstruksyon ng imprastruktura. Ang naturang aksyon ay naglalayong pabutihin ang konstruksyon ng imprastruktura ng Thailand, pasulungin ang pag-unlad ng kabuhayan, at isakatuparan ang komunikasyon sa pagitan ng iba't ibang miyembro ng ASEAN.

Nitong ilang taong nakalipas, mayroong pagkakaiba ang Thailand at Kambodya sa isyu ng Preah Vihear Temple, dahil dito, hindi matatag ang kalagayan sa rehiyong panghanggahan ng naturang dalawang bansa. Para pabutihin ang relasyon ng dalawang bansa at pasulungin ang pag-unlad ng rehiyong panghanggahan, ipinasiya ng Gabinete ni Yingluck Shinawatra na itatag ang isang working group na namamahala sa mga suliranin ng pagkokoordina ng mga proyektong pangkooperasyon ng Thailand at Kambodya sa rehiyong panghanggahan.

Bukod dito, bilang isang maunlad na ekonomy ng ASEAN, nitong ilang taong nakalipas, dinagdagan ng Thailand ang paglalaan ng pondo sa mga kapitbansa, partikular na, pinapalawak nito ang pamumuhunan sa Myanmar, Biyetnam at iba pang bansa.

Salin:Sarah

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>