|
||||||||
|
||
SA Sabado, sa kanyang pagluhod sa seremonyas na idaraos sa Vatican City, tatanggapin ni Caceres Archbishop Rolando Tria-Tirona ng Camarines Sur ang kanyang pallium mula kay Pope Francis. Ang pallium ay isa sa pinakamahalagang simbolo ng Simbahan na ipinagkakaloob sa mga arsobispo.
Dumating na sa Roma si Arsobispo Tria-Tirona kahapon para sa seremonyas sa darating na Sabado.
Karamihan sa mga tatanggap ng pallium ay mga hinirang ni Pope Emeritus Benedict XVI. Ang pallium ay isang vestment na mula sa tupa na karaniwang ginagamit ng mga arsobispo at mga santo papa.
Para sa mga arsobispo ang mga ito ay pagpapakita ng autoridad mula sa Santo Papa na pangasiwaan ang kanilang mga arkediyosesis at pagpapakita rin ng kanilang responsibilidad sa kanilang nasasakupan.
Karaniwang ginagawa ito sa kapistahan nina San Pedro at San Pablo. Si Arsobispo Tirona ang nag-iisang Pilipinong tatanggap ng pallium ngayong taong ito.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |