Sa panahon ng kanyang pagdalaw sa Finland, ipinahayag kahapon ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya na hindi ibibigay ng kanyang bansa sa Estados Unidos si Edward Snowden, whistleblower ng classified surveillance programs ng pamahalaang Amerikano.
Sa isang preskon sa Helsinki, sinabi ni Putin na nananatili ngayon si Snowden sa transit area ng paliparan ng Moscow, at hindi pa siya nakakapasok sa teritoryo ng Rusya. Aniya, walang kasunduan sa ekstradisyon ang Rusya at E.U., kaya hindi ibibigay ng Rusya sa E.U. si Snowden. Dagdag pa niya, walang pakikipagkooperasyon kay Snowden ang departamentong panseguridad ng Rusya.
Ipinahayag din ni Putin na nagkataon lamang ang pagpunta ni Snowden sa Rusya. Aniya pa, malaya si Snowden na pumunta saanman, at umaasa si Putin na, sa lalong madaling panahon ay makakakita si Snowden ng isang destinasyon.
Salin: Liu Kai