|
||||||||
|
||
Pagkatapos ng misyon nito sa kalawakan, lumapag kaninang umaga sa Inner Mongolia ang Shenzhou-10 Manned Spacecraft. Mabuti ang kalagayan ng tatlong astronaut na sakay nito. Ayon kay Zhang Youxia, Punong Direktor ng Manned Space Program ng Tsina, kasabay ng matagumpay na misyon ng Shenzhou-10, natapos din ang misyon ng Tiangong-1 Space Lab Module.
Sa ngalan ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), Konseho ng Estado, at Sentral na Komisyong Militar, nagpadala ng mensahe si Zhang Gaoli, Pirmihang Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC at Pangalawang Premyer na Tsino, bilang pagbati sa mga astronaut at lahat ng kalahok sa misyong ito. Ayon pa rin sa mensahe, ang tagumpay ng mga misyon ng Shenzhou-10 at Tiangong-1 ay palatandaang maalawang natapos ang ika-2 yugto ng Manned Space Program ng Tsina hinggil sa pagpeperpekto ng teknolohiya ng space docking at paglulunsad ng space lab module. Sa susunod, papasok ang programang ito sa ika-3 yugto na hinggil sa konstruksyon ng space station.
Inilunsad ang Shenzhou-10 noong ika-11 ng buwang ito. Isinagawa ng 3 astronaut, na lulan ng spacecraft ang mga automatic at manual docking ng Shenzhou-10 at Tiangong-1 Space Lab Module. Nagbigay din ang mga astronaut ng isang space lesson sa mga kabataang Tsino sa pamamagitan ng live video.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |