Sa pakikipag-usap kahapon sa Beijing sa kanyang Thai counterpart na si Tanasak Patimapragorn, Komander ng Sandatahang Lakas ng Thailand, ipinahayag ni Fan Changlong, Pangalawang Tagapangulo ng Sentral na Komisyong Militar ng Tsina, na nitong ilang taong nakalipas, mabunga at mabisa ang pagtutulungan ng hukbo ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan. Aniya, positibo ang Tsina sa relasyong militar ng dalawang bansa, at inaasahan niyang lalawak pa ang kooperasyon ng Tsina at Thailand sa bagong larangan, para palalimin ang relasyong nabanggit.
Sinabi naman ni Tanasak Patimapragorn, na positibo ang Thailand sa mapagkaibigang relasyon ng dalawang bansa at hukbo. Nakahanda aniyang magsikap ang Thailand, kasama ng Tsina, para pasulungin ang pragmatikong pagtutulungang militar ng dalawang panig sa iba't ibang larangan, para pasulungin ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon.