Sa okasyon ng International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking, idinaos kahapon sa Thailand ang ika-42 aktibidad ng kolektibong pagsunog sa mga droga. Sa naturang aktibidad, mahigit 3 toneladang nasamsam na droga ang sunog.
Napag-alaman, nitong ilang taong nakalipas, palaki nang palaki ang bilang ng mga nasasamsam na droga sa Thailand, at pabata rin nang pabata ang mga drug-user sa bansang ito. Upang mailigtas ang mga drug-user, nagbukas ng mga drug rehabilitation centers ang 1287 ospital sa buong Thailand.
Salin: Li Feng