Ipinahayag kahapon dito sa Beijing ni Hua Chunying, tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na lumitaw kamakailan ang tunguhin ng paghupa ng kasalukuyang kalagayan ng Korean Peninsula at umaasa silang masasamantala nang lubos ng iba't ibang panig ang pagkakataong ito. Kahit aniya may ilang naranasang kahirapan sa pagdaraos ng Six-Party Talks, ang talastasang ito pa rin ang pinakamabisang mekanismo para mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan at maisasakatuparan ang walang-nuklear na Korean Peninsula.
Isinalaysay ni Hua na noong ika-21 ng buwang ito, dumalaw sa Tsina si Cho Tae-Yong, Kagawaran ng Unipikasyon at Punong Negosyador sa Six-Party Talks at nakipag-usap siya kay Wu Dawei, Espesiyal na Kinatawan ng Tsina sa suliranin ng Korean Peninsula. Sinang-ayunan ng dalawang panig na ang maayos na paghawak sa isyung nuklear at pagsasakatuparan ng walang-nuklear na Korean Peninsula ay angkop sa interes ng iba't ibang panig.
salin:wle