|
||||||||
|
||
Ayon pa sa ulat, sa kasalukuyan, si Snowden ay nasa transit area ng Moscow Airport ng Rusya. Pero, hindi tukoy ang tiyak na kinaroroonan niya sa paliparan.
Nauna rito, iniulat ng ilang media na pinaplano ni Snowden na pumunta sa Cuba noong ika-24 ng buwang ito sakay ng eroplano mula Rusya, pero, hindi siya sumakay sa naturang eroplano.
Malaki ang hadlang at presyur para kay Snowden sa paghahanap nito ng bansang magbibigay sa kanya ng proteksyon sa Latin Amerika. Unang-una, kinansela na ng E.U. ang passport niya. Ikalawa, isinasaalang-alang ng mga bansang Latin Amerika na kung tatanggapin nila si Snowden, posibleng magiging maigting ang relasyon nila sa E.U. . Hindi gusto ng mga bansa na lumala ang relasyon nila sa E.U. dahil sa isyu ni Snowden. Ikatlo, dapat isaalang-alang ng mga bansang Latin Amerika ang elementong pambatas. Ayon pa sa ulat, nilagdaan ng E.U. at karamihan ng mga bansang Latin Amerika ang Kasunduan ng Extradition na kinabibilangan ng Ecuador at Venezuela.
Ipinahayag kahapon ng Ecuador na nangangailangan ng mahabang panahon para hawakan ang pag-aaplay ng asylum ni Snowden. Sinabi ng Ministrong Panlabas ng Ecuador na posibleng mangangailangan ng ilang buwan para suriin ang kahilingan ni Snowden.
Noong ika-25 ng buwang ito, sinabi ni Nicolas Maduro, Pangulo ng Venezuela na dumadalaw sa Haiti na datapuwa't hindi pa tinatanggap ang hiling ni Snowden, nakahanda ang kanyang bansa na magkaloob ng asylum para sa kanya. Pero, hindi niya puwedeng igarantiya ang positibong tugon dito.
Sa kasalukuyan, pinahahalagahan ng Ecuador ang relasyon nito sa E.U.. Ipinalabas kahapon ng embahada ng Ecuador sa E.U. ang pahayag na nagsasabing susuriin ng kanyang bansa ang aplikasyon ni Snowden sa responsableng pakikitungo. Pero, nanawagan rin ang naturang pahayag na iharap ng E.U. ang paninindigan nito sa paghingi ng asylum ni Snowden sa nakasulat na paraan.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |