|
||||||||
|
||
Sa isang news briefing pagkaraan ng naturang pagtatagpo, ipinahayag ni Yudhoyono na sumang-ayon ang dalawang panig na palakasin ang kooperasyon sa kabuhayan, kalakalan at pamumuhunan, at nang sa gayo'y, umabot sa 10 bilyong dolyares ang halaga ng kanilang kalakalan sa 2018: Palalakasin din nila ang kooperasyon sa enerhiya at pahihigpitin ang kanilang kooperasyon sa pangingisda at pangangalaga ng katatagan ng rehiyong pandagat at magsasagawa sila ng magkasanib na pamamatrulya ng mga tropa sa dagat.
Nilagdaan din ng dalawang panig ang mga kasunduan sa extradition at criminal judicial assistance, at memorandum ng koopeasyong agrikultural.
salin:wle
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |