|
||||||||
|
||
Nilagdaan kahapon ng Sentro ng Kulturang Tsino sa Bangkok at Pambansang Kawanihang Panturismo ng Thailand ang Kasunduan ng Kooperasyon sa pagsasanay sa wikang Tsino, para tulungan ang mga opisyal ng Thailand na namamahala sa mga suliraning panturismo na mag-aral ng wikang Tsino para makapagkaloob ng mas magandang serbisyo sa mga turistang Tsino na pumupunta sa Thailand.
Ayon sa kasunduan, itatatag ng Sentro ng Kulturang Tsino sa Bangkok at Pambansang Kawanihang Panturismo ng Thailand ang mekanismo ng matagalang kooperasyon para sa pagsasanay ng mga talento sa wikang Tsino.
Ayon sa plano, sisimulain ang unang klase sa unang dako ng susunod na buwan, at ito ay lalahukan ng mga 50 estudyente.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |