Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pilipinas at Amerika, nagdaraos ng magkasanib na pagsasanay-militar sa karagatan ng Huangyan Island

(GMT+08:00) 2013-06-28 16:40:16       CRI

Sa karagatan na 108 kilometro ang layo sa dakong silangan ng Huangyan Island—isinasagawa dito ng mga hukbong pandagat ng Pilipinas at Amerika ang magkasanib na pagsasanay-militar. Kapuwa pinahahalagahan ng dalawang bansa ang kasalukuyang pagsasanay na nagsimula kahapon at tatagal hanggang ika-2 ng Hulyo. Ipinalalagay ng mga tagapag-analisa na kahit idineklara ng panig Amerikano at Pilipino na ang naturang pagsasanay sa paligid ng Huangyan Island ay hindi makakaapekto sa Tsina, sa katunayan, nakatuon sa Tsina ang intensyon ng mga madalas na pagsasanay-militar ng Amerika at mga kaalyado nito na gaya ng Hapon at Pilipinas.

Ang nilalaman ng kasalukuyang pagsasanay ay, pangunahin na, telekomunikasyon, aksyon sa dagat ng hukbong pandagat, paglaban sa terorismo, kaligtasan ng mga suliraning pandagat at iba pa. Napag-alaman, ang bilang ng mga kalahok na sundalo, uri ng mga ipinadalang bapor at mga proyekto ng pagsasanay ng panig Amerikano ay naging rekord sa kasaysayan. Ipinahayag naman ng panig Pilipino na ipinadala nito ang pinakamalaking bapor-pandigma sa naturang pagsasanay.

Tinukoy ni Yin Zhuo, dalubhasang militar ng Tsina, na ang kasalukuyang magkasanib na pagsasanay-militar ng Pilipinas at Amerika ay nagpapaabot ng isang malinaw na signal sa labas; sa madaling sabi, kung magaganap ang alitan sa South China Sea, kakatigan ng Amerika ang Pilipinas sa aspektong militar.

Ipinahayag naman ni Zhang Zhaozhong, Propesor ng National Defense University ng Tsina, na pagkatapos ng pagtatagpo nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Barack Obama ng Amerika noong unang dako ng buwang ito, may paglakas ang estratehikong relasyon ng dalawang bansa, pero hindi nangangahulugan itong hindi magpapataw ang Amerika ng presyur sa Tsina sa isyu ng East China Sea at South China Sea. Aniya, dapat igiit ng Tsina ang sariling prinsipyo sa mga mahahalagang isyu, at bigyang-diin ang mapayapang paglutas sa mga alitan. Pero kailanma'y hindi nito maipapangako ang pagtatakwil ng sandatahang lakas.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>