Ayon sa ulat ngayong araw ng media ng Hapon, umaasa ang Ministrong Panlabas ng bansang ito na makaka-usap ang kanyang mga counterpart na Tsino at Timog Koreano sa panahon ng kasalukuyang pulong ng mga ministrong panlabas ng Silangang Asya sa Brunei.
Ayon sa ilang tauhan ng pamahalaang Hapones, nagkasundo na ang pamahalaan ng Hapon at T.Korea hinggil sa pag-uusap ng mga ministrong panlabas ng dalawang bansa, at idaraos ito sa unang araw ng susunod na buwan. Anila pa, nakikipagkoordina pa rin ang Hapon sa Tsina, para maidaos ang isang di-pormal na pag-uusap ng mga ministrong panlabas ng dalawang bansa.