Dumating kagabi, local time, sa Pretoria, administrative capital ng Timog Aprika, si Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos, para pasimulan ang kanyang 2-araw na pagdalaw sa bansang ito. Ito ang kauna-unahang pagdalaw ni Obama sa T.Aprika, pero magkakaiba ang reaksyon ng iba't ibang sirkulo ng T.Aprika sa pagdalaw na ito.
Nauna rito, nagpalabas ng pahayag ang palasyong pampanguluhan ng T.Aprika na nagsasabing napakahalaga ng pagdalaw ni Obama, at mapapataas nito sa bagong antas ang pagpapalagay ng dalawang bansa sa pulitika, kabuhayan, at di-pampamahalaang sektor.
Pero, idinaos naman kahapon ng umaga ng ilang daang mamamayang T.Aprikano ang demonstrasyon sa harapan ng embahada ng Amerika sa T.Aprika, bilang protesta sa pagdalaw ni Obama. Nagpahayag sila ng kawalang-kasiyahan sa pagpapawalang-bahala ng administrasyon ni Obama sa Aprika, at mga patakaran nito sa kontinenteng ito.