Sa ASEAN Regional Forum na idinaos ngayong araw sa Bandar Seri Begawan, Brunei, tinukoy ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina na may mahigpit na kaugnayan ang kinabukasan ng Tsina sa katatagan at kaunlaran ng Asya-Pasipiko. Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng iba't ibang bansa, na ibayo pang pasulungin ang kapayapaan at kaunlaran ng rehiyong ito.
Sinabi ni Wang na ang Tsina ay positibong elemento sa katatagan at kaunlaran ng Asya-Pasipiko. Dagdag pa niya, habang isinasagawa ang "Chinese Dream," walang humpay na makikilahok ang Tsina sa Asya-Pasipiko at buong daigdig, at magdudulot ng mas maraming pagkakataon at pakinabang sa iba't ibang bansa.
Salin: Liu Kai