|
||||||||
|
||
Sa Bandar Seri Begawan, Brunei — Kinatagpo kahapon ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina si John Kerry, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos. Ipinahayag ni Wang na dapat aktibo at komprehensibong isakatuparan ng dalawang panig ang komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa noong isang buwan. Dapat din aniyang magsikap ang dalawang panig para maitatag ang bagong relasyon ng malalaking bansang Tsina at Amerika, at pasimulan ang bagong kalagayan ng "Trans-Pacific Cooperation" ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Kerry, na maaring magkaroon ang Tsina at Estados Unidos ng mas mainam na kooperasyon sa maraming mahahalagang isyung pandaigdig. Umaasa aniya ang panig Amerikano na matatamo ng gaganaping U.S.–China Strategic and Economic Dialogue ang tagumpay.
Bukod dito, isinalaysay ni Wang ang posisyon ng panig Tsino sa isyu ng South China Sea. Hinimok din niya ang panig Amerikano na hawakan nang maingat ang mga mahalagang sensitibong isyung gaya ng Taiwan, Tibet, at Xinjiang.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |