Sinabi kahapon sa Geneva ni Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations, na ipinatupad na ang mga target ng Millennium Development Goals (MDG), pero kailangan din aniyang magbigay ng mas maraming pagsisikap para ibayo pang maisakatuparan ang mga ito.
Winika ito ni Ban sa pulong ng Economic and Social Council (ECOSOC) ng UN. Ayon sa talumpati ni Ban, nabawasan ng kalahati ang napakahirap na populasyon ng buong daigdig at natamo ang malaking progreso sa pagpigil at paglunas sa malaria at tuberculosis.
Bukod dito, nanawagan din si Ban sa komunidad ng daigdig na magbigay ng mas malaking pagsisikap, para malutas ang mga kinakaharap na hamon ng MDG na gaya ng kapinsalaan sa kapaligiran, mataas na mortalidad ng mga bata na 5 taong gulang at pababa, at di-pantay na trato sa pagitan ng mga kasarian.