Nitong ilang araw na nakalipas, isinasagawa ng pamahalaan ng Indonesia ang reporma sa mga organo nito. Iniharap nito ang tatlong (3) konkretong hakbangin na kinabibilangan ng pagpapasimple sa estruktura ng mga departamento, pagbabawas ng gastos, at pagdaragdag ng suweldo ng mga civil servant, alinsunod sa kanilang progreso. Ito ay naglalayong pataasin ang episyensya ng gawain ng pamahalaan at ang propesyonal na lebel ng mga civil servant.
Umaasa ang iba't ibang sirkulo ng lipunan ng Indonesia na maisasakatuparan ang naturang tatlong (3) hakbangin sa lalong madaling panahon.
Salin: Li Feng