|
||||||||
|
||
Nag-usap kahapon sina Fang Fenghui, dumadalaw na Puno ng Pangkalahatang Estado Mayor ng People's Liberation Army ng Tsina, at Valeriy Gerasimov, Puno ng Pangkalahatang Estado Mayor ng Armed Forces ng Rusya. Magkasamang inaprobahan ng kapuwa panig ang dokumento hinggil sa magkasanib na pagsasanay-militar ng mga hukbong Tsino at Ruso.
Pagkatapos ng pag-uusap, ipinatalastas ni Fang Fenghui na sa kasalukuyang taon, idaraos ng mga hukbong Tsino't Ruso ang dalawang magkasanib na pagsasanay-militar. Kabilang dito, idaraos sa Peter the Great Gulf, Sea of Japan, ang magkasanib na pagsasanay-militar sa dagat ng dalawang bansa mula ika-5 hanggang ika-12 ng Hulyo. Isasagawa rin sa Chelyabinsk, Rusya, ang magkasanib na pagsasanay-militar laban sa terorismo na may codename na "Peace Mission-2013", mula ika-27 ng Hulyo hanggang ika-15 ng Agosto.
Ani Fang, ang mga magkasanib na pagsasanay-militar ng Tsina at Rusya ay hindi nakatuon sa ika-3 panig. Layon lamang ng mga itong mapalalim ang kooperasyon ng dalawang hukbo sa larangan ng pagsasanay, mapataas ang kakayahan sa koordinasyon ng mga aksyong military, at mapatingkad ang positibong papel sa pangangalaga sa kaligtasan at katatagan ng rehiyon.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |