|
||||||||
|
||
Mataas na pinahahalagahan ng naturang artikulo ang talumpati ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina hinggil sa relasyon ng Tsina at Biyetnam. Ipinalalagay ng artikulo na napakahalaga ang paninindigan ni Pangulong Xi, na dapat pasulungin ang paglulutas ng isyu ng South China Sea sa pulitikal na paraan. Sinabi ng artikulo na ang susi sa isyu ng South China Sea ay pangangalaga sa katatagan at pagpapasulong ng kooperasyon, hindi dapat isagawa ang anumang unilateral na aksyon na posibleng magpasalimuot ng isyung ito. Tinukoy rin ng artikulo na may pagbabago ang paninindigan ng Biyetnam. Ipinahayag ni Pangulong Tuong Tan Sang na nakahanda ang kanyang bansa na mataimtim na isakatuparan ang komong palagay na narating ng dalawang bansa, at maayos na hawakan ang kinauukulang problema sa pamamagitan ng pangkaibigang koordinasyon.
Sa artikulo, sinabi ni Pedrosa na sa kasalukuyan, iniuulat ng mga media ng Pilipinas ang hinggil sa di-umano ay pang-aapi ng Tsina sa mga maliit na bansa ng Asya. Ang impormasyong ito ay nagmula sa isang opisyal ng Amerika na namamahala sa mga suliranin sa Silangang Asya, samantalang pinapurihan naman ng mga media ng Biyetnam ang kauna-unahang dalaw-pangestado ni Pangulong Truong Tan Sang sa Tsina. Sinabi ni Pedrosa na ang pagdalaw sa mataas na antas ay makakatulong sa lalo pang pagpapataas ng bilateral na relasyon, ito ay makakatulong din sa pagpapaunlad ng bilateral na relasyon sa loob ng framework ng komprehensibong estratehikong relasyon at pagpapasulong ng komprehensibong kooeprasyon sa iba't ibang larangan; lalung-lalo na sa larangang pangkabuhayan at pangkalakalan.
Dagdag ni Pedrosa, ang layunin ng artikulo ay payuhan ang mga mamamayan ng Tsina at Pilipinas na patuloy na magsikap para malutas ang alitan ng South China Sea sa mapayapang paraan. Ipinalalgay niya na dapat bigyang-pansin ng Pilipinas ang pinakahuling progreso sa "Paraan ng Biyetnam", kung hindi, posibleng maalis ang Pilipinas mula sa pag-unlad ng rehiyong ito. Kaya, ipinalalgay ni Pedrosa na hinggil sa isyu ng South China Sea, ito ang panahon upang tularan ng Pilipinas ang kapasiyahan ng Biyetnam.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |