Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kagawaran ng Paggawa pinalawak ang pagsisiyasat sa "sex-for-flight"; matatapos sa ika-31 ng Hulyo

(GMT+08:00) 2013-07-02 18:33:08       CRI

PINALAWAK ni Kalihim Rosalina D. Baldoz ang pagsisiyasat sa tatlong opisyal ng Philippine Overseas Labor Office na inakusahan ng paggamit ng posisyon upang makatalik ang kababaihang mga manggagawang nagnanais nang umuwi ng Pilipinas.

Pinalawak ang pagsiisyasat upang matamo ang mas maraming impormasyong susuporta sa mga alegasyon. Pinalakawak na ito bago pa man inihayag ni Congressman Walden Bello ang mas maraming sexual exploitation sa mga OFW sa Al-Khobar, Saudi Arabia. Ang kautusan ay nagsasaad na isama ang lahat ng mga tauhan at opisyal sa Kuwait, Jordan at sa Kingdom of Saudi Arabia.

Umalis na ang investigating team patungong Gitnang Silangan noong Biyernes at ngayo'y nasa Kuwait na. Magtutungo rin sila sa Saudi Arabia at Jordan bago umuwi sa Pilipinas sa huling araw ng Hulyo.

Karamihan sa kanyang mga ipinadalang magsisiyasat ay mga kababaihan upang higit na maging epektibo sa kanilang pagtatanong sa kapwa babae. Labing-tatlo sa 14 na magsisiyasat ay babae sa pangunguna ng hipag ni dating Senador Ernesto Herrera na kinilala sa pangalang Labor Attaché Linda Herrera. Tatlo ang nasa Jordan, dalawa sa Kuwait at siyam sa Saudi Arabia.

Isang lupon ang binuo ni Kalihim Baldoz na dirinig sa usapin kung magkakaroon man matapos magsiyasat ang mga opisyal.

Tiniyak ni Kalihim Baldoz na makararating sa madla sa pamamagitan ng media ang kanilang mga imbestigasyon.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>