Matagumpay na inilunsad kagabi ng Indya ang unang navigation satellite ng Regional Navigation Satellite System nito.
Ang naturang sistema ay maaaring gamitin sa kapwa pansibilyan at pangmilitar na layon, at ito ay binubuo ng pitong satellites. May plano ang Indya na maglunsad ng isang satellite tuwing anim na buwan. Posibeng maungusan ng naturang sistema ng Indya ang Galileo System ng Europa: ito ay nakatakdang maging ika-4 na operasyonal na navigation satellite system sa buong daigdig.
Salin: Liu Kai