Hanggang kagabi, maliwanag na tinanggihan ng mahigit 10 bansa ang asylum request ni Edward Snowden, whistleblower ng mga surveillance program ng Amerika. Kabilang dito ang Brazil, Indya, Alemanya, at iba pa.
Nauna rito, nagharap si Snowden ng aplikasyon para sa asylum sa 21 bansa na kinabibilangan ng Iceland, Ecuador, Alemanya, Venezuela, Rusya, at iba pa. Pagdating sa mga bansang wala pang maliwanag na pahayag, sinabi ng ilan na wala pa silang natatanggap na pormal na aplikasyon, at tumanggi namang magkomento ang iba sa isyu. Kasabay nito, binawi mismo ni Snowden ang aplikasyon sa Rusya, dahil sa kondisyong iniharap ng pangulo nito na huwag nang magbunyag ng mga sensitibong impormasyon.
Sa isa pang development, di-tulad ng mga napapabalita, hindi isinama ni Pangulong Nicolas Maduro ng Venezuela si Snowden patungo sa kanyang bansa, pagkatapos ng kanyang pagdalaw sa Rusya. Ayon sa kasalukuyang impormasyon, nananatili pa sa transit area ng paliparan ng Moscow si Snowden.
Salin: Liu Kai