Nakipag-usap kahapon sa Beijing si Chang Wanquan, Ministro ng Tanggulang Bansa ng Tsina sa kanyang Loatian counterpart na si Douangchay Phichith, at nagpalitan sila ng kuru-kuro hinggil sa relasyon ng dalawang bansa at hukbo, at situwasyong panseguridad ng rehiyon.
Ipinahayag ni Chang na nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Laos, para ibayo pang patibayin ang estratehikong partnership ng dalawang bansa, at pasulungin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang hukbo sa mas mataas na antas.
Ipinahayag naman ni Douangchay Phichith, na mainam ang pagtutulungan ng estado at hukbo ng Tsina at Laos. Aniya, positibo ang Laos, tulad ng dati, sa mapagkaibigang patakaran sa Tsina, at ibayo pang pagpapahigpit ng pagtutulugan ng dalawang panig.