Ipinahayag kahapon ni Liu Yuejin, Puno ng Kawanihan ng Paglaban sa Bawal na Gamot ng Ministri ng Pampublikong Seguridad ng Tsina, na mabunga ang magkakasanib na aksyon ng Tsina, Laos, Myanmar, at Thailand, laban sa pagbebenta ng droga sa rehiyon ng Mekong River.
Ayon sa estadistika, nadakip ang 2534 na suspek at nasamsam ang mahigit 9700 kilo ng iba't ibang uri ng droga na nagkakahalaga ng mahigit 25 bilyong yuan RMB.
Buong pagkakaisang ipinalalagay ng nasabing 4 na bansa na dapat maging mekanismo ang naturang magkakasanib na aksyon laban sa droga para maigarantiya ang pundamental na kapakanan ng mga mamamayan sa rehiyon ng Mekong River at pangmatagalang kaligtasan at katatagan ng rehiyong ito.