Ayon sa mass media ng Timog Korea kahapon, pinahintulutan ng Hilagang Korea ang pagbisita ng mga negosyante mula sa Timog Korea sa Kaesong Industrial Complex para magsagawa ng paghahanda sa pagdating ng tag-ulan. Pagkaraang ipalabas ang konkretong oras ng pagbisita sa Hilagang Korea, ipagkakaloob ng panig Hilagang Koreano ang mga may-kinalamang garantiya sa komunikasyon, tele-komunikasyon, at iba pa.
Kaugnay nito, sinabi ng isang kinauukulang namamahalang tauhan ng Ministri ng Unipikasyon ng Timog Korea na pagkaraang komprehensibong isaalang-alang ng pamahalaan nito ang iba't-ibang kalagayan, tatalakayin nito ang katugong hakbang. Aniya, may pag-asang ipapahayag ng pamahalaan ang konkretong posisyon ngayong araw.
Salin: Li Feng