|
||||||||
|
||
Ang kaligtasan ng paggamit ng enerhiyang nuklear ay mahalagang isyu na sinusubaybayan ng komunidad ng daigdig. Kahapon, ipinalabas ng Tsina ang national campaign para palaganapin ang kamalayan sa mga mamamayan hinggil sa ligtas na paggamit ng enerhiyang nuklear at nuclear emergency response procedures. Kasabay nito, nang araw ring iyon, ipinalabas rin ng Tsina sa publiko ang revised version ng National Nuclear Emergency Response Plan. Ang naturang aksyon ay gaganap ng mahalagang papel para sa malusog at sustenableng pag-unlad ng usapin ng enerhiyang nuklear ng Tsina.
Bilang malinis na bagong enerhiya, ang enerhiyang nuklear ay nagbibigay ng malaking ambag para mapangalagaan ang kapaligiran ng mga mamamayan at pasulungin ang pag-unlad ng kabuhayan at lipunan. Sa kasalukuyan, ang usapin ng Tsina sa enerhiyang nuklear ay pumasok sa yugto ng mabilis na pag-unlad. Dapat ilagay ng Tsina ang kaligtasan ng paggamit ng enerhiyang nuklear sa napakahalagang puwesto para maging nuclear power country.
Ipinalalagay ni Ma Xingrui, Pangalawang Puno ng China Atomic Energy Authority (CAEA) na sa revised version ng National Nuclear Emergency Response Plan na inaprobahan kamakailan ng Konseho ng Estado ng Tsina, ipinaliwanag nito ang pundamental na tungkulin ng gawain ng emergency response ng Tsina. Sinabi niyang ang naturang pundamental na tungkulin ay: mabisang harapin ang mga insidenteng nuklear, at sa pinakamalaking digri, kontrolin ang insidente, bawasan ang kasuwati at kapinsalaan ng ari-arian, at mapangalagaan ang kaligtasan ng kapaligiran at katatagan ng lipunan.
Ang revised version ng National Nuclear Emergency Response Plan ay nagbibigay din ng benepisyo sa mga mamamayan. Ipinalalagay ni Chen Zhuzhou, dalubhasa sa nuklear na sa bagong response plan, maliwanag na inilalagay ang hakbangin na maaaring isagawa ng mga mamamayan pagkatapos ng insidenteng nuklear.
Ang kaligtasan sa paggamit ng enerhiyang nuklear ay pundamental na elemento ng usapin ng enerhiyang nuklear, at ang emergency response ay malakas na hakbangin para igarantiya ang kaligtasan ng paggamit ng enerhiyang nuclear. Dapat magkakasamang katigan ng buong lipunan ang gawain ng nuclear emergency response para igarantiya ang kaligtasan ng paggamit ng enerhiyang nuklear.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |